Sampung Uri ng Empleyadong Pinoy

Feature StoriesLeave a Comment

10 Uri ng Empleyadong Pinoy - Header
Share on FacebookTweet about this on TwitterShare on LinkedInShare on Google+

May kilala ka bang empleyadong nagtataglay ng mga katangiang ito?
 
 

1. Daldalita Paner

10 Uri ng Empleyado_Daldalita Paner
Walang workload ang makakapigil sa kanya para chumika dahil ito ang pampagising niya. May kilala ka bang kagaya niya?

2. Conyo Reyes

10 Uri ng Empleyado_Conyo Reyes
Kalimitan sa tulad niya ay bulol sa “R” at madalas napagkakamalang maarte dahil sa pagta-“taglish” niya. Do you know – like – someone as conyo as her ba?

3. OC Alcasid

10 Uri ng Empleyado_OC Alcasid
Pumapasok, nagbi-break, at umaalis sa trabaho sa eksaktong oras. Organized sa lahat ng gamit, at iritable sa putal. May naaalala ka bang kaibigang tulad niya?

4. Morisette Lamon

10 Uri ng Empleyado_Morissete Lamon
Ka-opisina mong laging may dalang kutkutin. Masayang katabi lalo na kapag gusto mo ang dala niyang pagkain. ‘Di mo siya hinuhusgahan kasi matakaw ka rin.

5. Onemig Borlog

10 Uri ng Empleyado_Onemig Borlog
Hindi naman puyat o pagod pero tulog nang tulog hangga’t may oras at pagkakataon. Madalas bumabangon para matulog ulit.

6. Guinness Veneracion

10 Uri ng Empleyado_Guiness Veneracion
Ayaw paawat sa “perfect attendance” at “job-well-done” awards. Tinitingala ng lahat sa taglay na sipag at determinasyon. How to be you po?

7. Funny Serrano

10 Uri ng Empleyado_Funny Serrano
Madalas sinasaway dahil sa kaingayan. Maligalig mang tunay, sila ang nagbibigay kasiyahan sa boring mong buhay. Ang taong magpapasakit sa tiyan mo kakatawa sa jokes at punchlines niya.

8. Tardy Corpuz

10 Uri ng Empleyado_Tardy Corpuz
Halos non-existent na sa opisina sa dami ng late at absent. Madalas dinadahilan ang biglaang lagnat, “dysmenorrhea,” sakit ng ulo, o pagkamatay ng kamag-anak. Asan na kaya ang kilala mong ganito?

9. Bida Morales

10 Uri ng Empleyado_Bida Morales
Celebrity, crush ng bayan, representative, at muse/escort ng department. Ang dahilan kung bakit madalas may bumibisita o may biglang magpapadala ng meryenda sa opisina niyo.

10. Coffee Domingo

10 Uri ng Empleyado_Coffee Domingo
Record holder sa dami nang naiinom na kape sa isang araw. Kung uso ang “tokhang” sa mga adik sa kape, garantisadong una siya sa listahan.

Share on FacebookTweet about this on TwitterShare on LinkedInShare on Google+

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *