10 Sa Karaniwang New Year’s Resolutions Na Paulit-Ulit Nating Nababali

Category: Feature StoriesPublished: Last Updated:

“New year, new me.” Ang madalas nating sabihin at i-Facebook status tuwing sasapit ang bagong taon. Masarap nga naman sa pakiramdam yung haharapin mo na ang panibagong chapter ng buhay mo—kung baga, page one ulit. Pero gaano nga ba tayo naninindigan sa ating New Year’s Resolutions? Totoo nga bang sa una lang tayo magaling at sa hangin natin sila isinusulat?
Balikan natin ang ating New Year’s Resolutions last year at ating alamin kung alin sa mga ‘yun ang kabilang sa sampung karaniwang New Year’s Resolutions na paulit-ulit na lang na nababali.

1. “Papasok na ako nang maaga.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali #1 Gigising Na Ako Nang MaagaIsa lamang ito sa sangkatutak na resolutions na agad-agad nating nababali. Parang noong isang gabi lang, motivated ka na sa pagbabagong ito. Nag-alarm ka pa nga nang maaga, pero dahil sa malamig ang panahon at may hang-over ka pa sa bakasyon, itinulog mo na lang ang motivation mo.

2. “Hindi na ako mag-iinom.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay Hindi na Ako MagiinomMay mga tao naman na malakas ang kagustuhang tumigil sa bisyo ng pag-inom, pero natatalo sila ng mga tropang malakas magyaya ng inuman. At dahil ayaw nilang maging KJ, ipagpapaliban na lang nila ang goal na ito. Ganun ka rin ba at ang mga kaibigan mong malakas mang-udyok?

3. “Itutuloy na namin ng barkada ang reunion gala namin.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Ituloy ang Gala ng BarkadaIsa pa sa mga prominenteng New Year’s Resolutions na hindi matuloy-tuloy ay yung mai-push ang gala niyong magkakabarkada. Kung ‘di lang dahil sa mga kasama mong last minute kung mag-back out, sa mga nagsabing sasama pero hindi pala, at sa mga ayaw mag-reply sa group chat, ay malamang natuloy na sana ang getaway niyo nung 2015 pa.

4. “Magpe-perfect attendance na ako sa trabaho.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Mag Perfect AttendanceKung ikaw ay ilang taon nang nagtatrabaho sa kumpanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin makasama sa Perfect Attendance awardees, kailangan mo nang seryosohin ang resolution na ito. Ang dapat mong gawin ay panindigan mo muna ang unang resolution, huwag kang tatamarin pumasok, at ‘wag kang papaakit sa leave credits.

5. “Dadalasan ko na ang pagkain ng masusustansiyang pagkain.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Kumain ng Healthy FoodsKadalasan sa atin, habang tumatanda ay tumataba. Dumadami ang nararamdaman at nagiging conscious na tayo sa mga kinakain natin—but not for long. Pagkatapos lang ng isang linggong No Rice Diet at puro vegetable salad, ire-reward na natin ng permanente ang ating mga sarili ng fast foods, junk foods o sitsirya, at crispy pata. Good job!

6. “Magtitipid na ako.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang MagtipidLahat tayo may mga gustong bilhin sa oras na gusto natin, kaya hindi ito mawawala sa New Year’s Resolutions natin. Kaya lang, dahil sa dami ng gastos—planado man o hindi—nadidislocate ang budget natin. Ang ending, walang ipon. Next year na lang ba ulit?

7. “Pangangatawanan ko na ‘yung planner ko!”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Seryosohin ang PlannerPara naman sa mga nag-invest, o ‘di kaya naman ay nagpakanerbyos muna sa pag-collect ng stickers para sa bonggang planner, mabubusog ba iyan ng mga plano niyo o magagaya lang din sa notebook niyo nung elementary at high school? O magsisilbi na lang na parang sketchpad dahil sa mga drawing na lakad? Walang masama sa pagkakaroon ng planner—as long as may plano.

8. “Magmu-move on na ako.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Mag Move OnPara naman sa’yo o sa kaibigan mo na noong 2010 pa ito isinasama sa kanyang New Year’s Resolutions, ano na? Huwag mong aksayahin ang panahon at oras mo sa mga bagay na dapat nang iwan at kalimutan. You only live once, kaya sulitin ang bawat oras na dapat nag-eenjoy ka at nag-ggrow, dahil walang rewind ang buhay.

9. “Mag-iipon na ako.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Mag IponKatulad ng pang-anim na resolution, kalimitan na dahilan natin kung bakit ang hirap nitong panindigan ay ang mga gastos sa bahay, personal na luho, gala, at katakawan. Again, walang masama sa pa-eenjoy lalo na at pinagtatrabahuan mo ang perang ginagastos mo, pero try mo rin magtabi para sa emergency na gastos o para sa mga mas kailangan mong bilhin in the future. Pasasalamatan mo rin ang sarili mo kapag nagawa mo ‘yan.

10. “Magda-diet na ako.”

New Year's Resolutions na Madalas Nababali ay ang Mad DietIto na yata ang pinakapopular at pinakagasgas na item sa kahit kaninong resolutions list. ‘Yung totoo, kailan ba dapat natin ito umpisahan? O ngayong bagong taon, bagong drawing book na naman ba ang kailangan? Kulitin mo na si bes, at i-push na ang balik alindog project ngayong taon!
Ilan sa New Year’s Resolutions mo last year ang kasama rito? Nawa’y ang goal mo ngayong taon ay matupad ang resolutions mo nung 2017 na dapat ay ginawa mo pa noong 2016. Gaya nga ng sabi nila, “Pag ayaw may dahilan, kapag gusto ay maraming paraan.” Cheers sa mas masagana at matatag na 2018 sa atin, mga bes!
Nakarelate ka ba? I-share mo rin ito sa mga kaibigan mong nakalimot din sa kanilang New Year’s Resolutions! Ibahagi mo rin sa amin kung ano pa ang mga nakaligtaan mo na hindi namin naisama sa listahan. Gusto namin marinig ang istorya mo!

Leave a Comment