Kung may isang tao man sa opisina natin ang mas strict pa kay boss, ‘yun ang tinatawag nating “tita” na siyang laging mapagbigay ng insights and wise advice about life. 2017 gave the word “tita” a whole new meaning, so this 2018, we’ll celebrate our non-biological titas for being the perfect epitome of adulting in a beautiful way. But first, paano ba natin malalaman kung ang isa nating katrabaho ay isang certified office tita? Narito ang mga signs na hinding-hindi niya maitatago sa office niyo.
1. Ang certified office tita ay makikilatis pa lang sa gayak at dala a.k.a “Titas of (insert ang lalawigan niyo) Starter Pack”.

2. Laging high-blood sa usapang infidelity, kabataan, showbiz, at politics.
Mabilis siyang mag-react at magbigay ng opinyon o advice sa mga usapang “manloloko”, mga di katanggap-tanggap na isyu sa kabataan, pulitika, showbiz, o simpleng sa kapwa kaopisina lang. Asahan mong tataas ang kilay o iirap agad ang certified office tita sa linya pa lang na, “Uy, si kyah niloloko lang pala si ate girl, ‘no?”
3. Mahilig sa kape at tea.
There’s no stopping a certified office tita from having her daily dose of happiness: kape. At kung paminsan pa ay mapapansin mo na rin siyang nahihilig na rin uminom ng tea lalo na after lunch, because it’s healthy for digestion daw. Tingnan mo, may stash ng iba’t ibang flavors ng tea ‘yan.
4. Malimit mag-interrogate sa mga nakababatang ka-opisina tungkol sa kanilang mga lakad.
Pag nakakita siya ng kaopisinang nakagayak at naka-ayos nang bongga, hindi na ito mag aatubiling magtanong, “Saan ang date mamaya?”, “May date ka?”, “Sino kasama mo?”, o ‘di kaya “Ano’ng oras ka uuwi?”
5. May ointment collection sa bag.

6. Mas inuuna nang bumili ng appliances at furniture kaysa sa mga pamporma.

7. Makilatis sa love interest ng nakababatang ka-opisina.

8. Mabilis ma-cute-an sa mga bata lalo na sa anak ng kapwa niya empleyado.

9. Nag-aaya lang ng shopping kapag may sale.

10. Hindi na nagpupuyat dahil #TulogIsLife.

May naalala ka bang tita sa article na ito? Share at i-tag mo na siya! May mga hindi pa ba kami naisama sa list? Share mo lang sa comments section para lahat maka-relate. Mabuhay ang lahat ng certified office titas!







