10 Obvious Signs That You’re a Certified Office Tita

Category: UncategorizedPublished: Last Updated:

Kung may isang tao man sa opisina natin ang mas strict pa kay boss, ‘yun ang tinatawag nating “tita” na siyang laging mapagbigay ng insights and wise advice about life. 2017 gave the word “tita” a whole new meaning, so this 2018, we’ll celebrate our non-biological titas for being the perfect epitome of adulting in a beautiful way. But first, paano ba natin malalaman kung ang isa nating katrabaho ay isang certified office tita? Narito ang mga signs na hinding-hindi niya maitatago sa office niyo.

1. Ang certified office tita ay makikilatis pa lang sa gayak at dala a.k.a “Titas of (insert ang lalawigan niyo) Starter Pack”.

certified office titaMadalas mo siyang makikitang nakasuot ng cardigan or shawl, pullover or denim dress, loafers or white shoes, at bag na kung hindi Longchamp, Secosana, o ‘di kaya Michaela ang brand.

2. Laging high-blood sa usapang infidelity, kabataan, showbiz, at politics.

certified office titaMabilis siyang mag-react at magbigay ng opinyon o advice sa mga usapang “manloloko”, mga di katanggap-tanggap na isyu sa kabataan, pulitika, showbiz, o simpleng sa kapwa kaopisina lang. Asahan mong tataas ang kilay o iirap agad ang certified office tita sa linya pa lang na, “Uy, si kyah niloloko lang pala si ate girl, ‘no?

3. Mahilig sa kape at tea.

certified office titaThere’s no stopping a certified office tita from having her daily dose of happiness: kape. At kung paminsan pa ay mapapansin mo na rin siyang nahihilig na rin uminom ng tea lalo na after lunch, because it’s healthy for digestion daw. Tingnan mo, may stash ng iba’t ibang flavors ng tea ‘yan.

4. Malimit mag-interrogate sa mga nakababatang ka-opisina tungkol sa kanilang mga lakad.

certified office titaPag nakakita siya ng kaopisinang nakagayak at naka-ayos nang bongga, hindi na ito mag aatubiling magtanong, “Saan ang date mamaya?”, “May date ka?”, “Sino kasama mo?”, o ‘di kaya “Ano’ng oras ka uuwi?

5. May ointment collection sa bag.

certified office titaKung may isang tao man na maaasahan sa oras ng sakit ng ulo, panghihilo, at baradong ilong, ‘yun ang certified office tita. Mula sa Katinko, Vicks Vapor Rub, Vicks inhaler, at White Flower, garantisadong meron siya.

6. Mas inuuna nang bumili ng appliances at furniture kaysa sa mga pamporma.

Sa mga kuwentong binabahagi niya, mapapansin mo sa kanya na mas priority na niya ang tahanan kaysa sa luho at porma. Malalaman mo na lang, kumuha na siya ng flat screen TV at nagpaplano nang magpa-tiles sa kanilang bahay sa susunod na taon. Adulting is not always ugly, mga bes. It teaches us to be more responsible.

7. Makilatis sa love interest ng nakababatang ka-opisina.

certified office titaDaig pa ang mga magulang niyo kung magtanong about sa bagong love interest mo o ng kapwa empleyado mo. Madalas magbibigay pa ‘yan ng advice para paalalahanan kang maging maingat—dahil once, she’s been there.

8. Mabilis ma-cute-an sa mga bata lalo na sa anak ng kapwa niya empleyado.

certified office titaWala yatang baby ang hindi cute sa isang certified office tita. Mula sa baby ng kanyang officemates hanggang sa celebrity babies, lagi siyang updated at sure ang favorite niya ay si Primo (Iya and Drew’s), Scarlet Snow (Dr. Hayden and Dra. Vicky’s), Zion (Sarah and Richard’s), o ‘di kaya si Letizia (Marian and DingDong’s).

9. Nag-aaya lang ng shopping kapag may sale.

certified office titaDahil nilamon na ng sistema ng adulting si tita, alam na niya ang mga techniques para makatipid. Isa na roon ay ang mag-shopping lang kapag sale, bilhin lang kung ano ang kailangan, at i-consider ang mga possible pang expenses bago gumastos.

10. Hindi na nagpupuyat dahil #TulogIsLife.

certified office titaIsa sa mga kilalang antics ng isang certified office tita or titas in general ay ang pag-iwan sa group chat at mundo pagpatak pa lang ng alas-syete ng gabi. Kung papipiliin siya sa ano ang mas importante: pagkakaibigan o tulog, kahit BFF ka pa niya, tulog ang sure na pipiliin niya.
May naalala ka bang tita sa article na ito? Share at i-tag mo na siya! May mga hindi pa ba kami naisama sa list? Share mo lang sa comments section para lahat maka-relate. Mabuhay ang lahat ng certified office titas!

Comments

Leave a Comment